15 behikulo para sa ‘Libreng Sakay,’ inihanda ng SPPO para sa Piston 4-day transport strike

Kasunod ng apat na araw na transport strike na isinagawa ng PISTON simula noong Lunes, Nobyembre 20 hanggang 23, ang Sorsogon Police Prov’l Office sa pangunguna ni PD Col Dionisio Laceda ay nagsagawa ng proactive na hakbang upang matugunan ang epekto ng tigil pasada sa commuting public, sakaling meron man sa lalawigan.

Bagama’t walang epekto sa mobilidad ang nasabing transport strike sa Sorsogon, sa ilalim na rin ng direktiba ni RD PBGen Westrimundo Obinque, magbibigay ng libreng serbisyo sa transportasyon sa publiko sa buong panahon ng welga ang buong PNP-Bicol.

Sa lalawigan ay nagpalabas ng 15 behikulo ang Sorsogon Police Prov’l Office.

Kasabay nito ipinag-utos din ang deployment ng mga personahe para magsagawa ng foot at mobile patrol, border control at police visibility.

Sa kabuuan, ang PRO5 ay nagpakalat ng 100 sasakyan sa buong rehiyon para maghatid ng mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon. Higit pa rito, may karagdagang 127 patrol cars ang itinalaga para sa operasyong pangseguridad at kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *