Phivolcs nakapagtala ng ilang pagyanig sa palibot ng bulkang Bulusan; bulkan, nananatili sa alert level zero

Nakapagtala ng ilang pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology ang Seismology o PHIVOLCS sa palibot ng bulkang Bulusan kahapon ng hapon.

Sa impormasyon na ipinalabas ng PHILVOLCS, nakapagtala sila ng 19 volcanic earthquakes na may sukat o lalim na 2.72 hanggang 6.56 kilometers mula sa ilalim ng bulkan simula nitong Mayo 31, ito ay may local magnitude na aabot sa 1.8 hanggang 2.7.

Dahil sa mga nasabing aktibidad, asahan na umano ang pagkakaroon ng mahinang pagbuga ng usok o gas activity mula crater at active vents ng bulkan.

Bagama’t nananatiling nasa alert level zero ang bulkan, pinapaalalahanan pa rin ng PHIVOLCS ang publiko na iwasan pa rin ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer radius permanent danger zone o PDZ lalong-lalo na sa south-southeastern slopes ng bulkan dahil sa posibleng panganib na dala ng nasabing mga aktibidad  at ang patuloy na mga pag-uulan na nararanasan sa palibot nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *