Supply ng isda sa Naga City People’s Mall apektado na ng Habagat

NAGA CITY- Apektado na ng Hanging Habagat ang mga supply ng isdang dagat sa Naga City People’s Mall.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Market Superintendent Mon Florendo, bawal kasing pumalaot dahil sa Gale Warning simula pa noong nagparamdam ang Bagyong Betty sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa ngayon ang may sapat na supply ay ang tilapia at bangus na sa huling monitoring ng Naga City Price Coordinating Council umaabot sa  P150-P160.00 ang kilo ng tilapia habang P180-P200.00 ang bangus.

Kung magpapatuloy aniya ang sitwasyon patuloy na kukuha ng frozen fish mula pa sa Navotas. Magmomonitor ang NCPM sa mananamantala sa presyo , pati sa kalidad ng isda.

Sinabi rin sa Brigada News FM ng Coast Guard Pasacao na naghanap na muna ng ibang pagkakakitaan ang ng ilang mangingisda, sa Balatan naman taghirap kung isalarawan ng residente ang lagay ng dagat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *