Pia Wurtzbach, nakaboto na ng presidente ng Pinas sa Abu Dhabi

Nakaboto na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa May 2022 national elections sa Pilipinas, sa pamamagitan ng overseas absentee voting United Arab Emirates.

Mababatid na noong April 10 nang simulan ang botohan para sa mga Filipino na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Pia, sa pamamagitan ng pagshade sa maliit na itim na bilog, pakiramdam umano niya ay gumagawa na choice tungo sa hinaharap.

Giit nito, isang boto lang umano ang sa kanya mula sa milyon-milyon pang botante, pero bawat boto naman umano ay mahalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *