Boxing: Ugas, nagtamo ng orbital fracture sa TKO defeat vs Spence

Nagtamo si Yordenis Ugas ng fracture sa kanyang kanang mata sa 10th-round technical knockout loss laban kay Errol Spence sa Texas.

Ayon sa Cuban fighter, na sa mga susunod na araw, sasabihin umano ng mga doktor kung papaanu nila ito gagamutin.

Mababatid na itinigil ng referee na si Laurence Cole ang laban sa 10th round, matapos ang payo ng ringside doctor dahil labis na ang pamamaga ng kanang mata ni Ugas.

Sa gitna nito, nakapaglaro pa si Ugas ng tatlong rounds matapos na magsimula ang pamamaga, sa gitna ng left uppercut mula kay Spence sa seventh round. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *