Pilipinas nagsisimula nang maghanda para sa ‘local manufacturing’ ng bakuna

Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na naghahanda na ang Pilipinas para sa plano nitong pag-produce ng mga bakuna.

Sa weekly briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na nakikipag-usap na ang binuong National Task Force on Vaccine Self-sustainability sa mga vaccine makers sa labas ng bansa para sa posibleng technology transfer.

Ang National Task Force on Vaccine Self-sustainability ay binubuo sa pangunguna ng Department of Science and Technology, kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).

Sinabi ni Domingo na plano nila sa susunod na taon na maisagawa na ang ‘fill and finish’ system, kung saan ang ‘bulk products’ ay dadalhin sa Pilipinas at dito na isasagawa ang repackage sa mga maliliit na vials.

Kasama naman sa mga vaccine makers na kinakausap ng task force ay mula sa mga bansang Cuba, China, Russia, at ilang European countries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *