Pimentel, ipinaliwanag ang hindi pagboto para sa pagpasa ng MIF bill

Ipinaliwanag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III kung bakit hindi umano siya bomoto para sa pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill, matapos mapansin ang hindi paglahok nito sa kabila ng pagiging vocal dissenter sa panukala sa nakalipas na mga buwan.

Giit ni Pimentel, hindi dapat ipinapasa ng Senado ang mga panukala sa madaling araw, sa kabila na minamadali ito.

Inusisa rin ng senador, kung anu ang emergency na nagpatawag para sa votation na maari naman umanong gawin sa mas normal na mga oras.

Sa gitna nito, ibinahagi ng mambabatas, na pinili niyang i-boycott ang amendments period para sa Maharlika measure, dahil naniniwala umano siyang ito ay unjustifiable at unsalvageable.

Kaugnay nito, hinayaan nalang umano niya ang mayorya na bumuo ng kanilang final version, na kanilang sariling trabaho at ‘masterpiece.’ //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *