Pinaka-malaking Covid-19 isolation facility sa Koronadal, binuksan na

KORONADAL CITY — PORMAL nang binuksan ang pinaka-malaking Covid-19 isolation facility sa lungsod ng Koronadal.

Mula noong nakaraang linggo, tumatanggap na ng mga Covid-19 patients na kailangang isolate ang Marbel-1 Central Elementary School na makikita sa sentro ng lungsod.
Nasa 104 ang bed capacity ng nabanggit na isolation facility at target ng city government ng Koronadal na gawin itong 200.

Dahil nasa sentro ng lungsod, inaasahang mas madali para sa mga pamilya ng mga pasyente ang pagdadala ng pagkain at basic needs para sa mga na-isolate nilang ka-anak.

Ayon naman kay Dr. Stephen Mortera, rural health physician ng lungsod na may drop-off point kung saan ilalagay ang mga pagkain na isasailalim sa inspeksiyon ng mga gwardiya upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagdadala at maiwasan ang hawaan ng virus.

Hinati umano sa dalawa ang nasabing pasilidad — isa para sa mga Covid-19 patients mula sa ospital at isa para naman sa mga Covid-19 positives na walang sintomas hanggang sa mga nakakaranas ng mild symptoms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *