Pinakamahal na fries sa buong mundo, mabibili sa halagang $200 sa isang New York restaurant

Muling gumawa ng world record ang isang restaurant sa New York matapos itong kilalanin bilang may pinakamahal na binibentang fries sa buong mundo.

Inanunsyo ng Guinness World Record na ang French fries na ibinibenta ng Serendipity3 restaurant sa New York sa halagang $200 ang siya ngayong kinokonsidera bilang pinakamahal.

Nagkataon namang sumabay sa National French Fry Day nitong Martes ang kumpirmasyon nito sa Guinness Book.

Pinangalanan itong Creme de la Creme Pommes Frites kung saan isa sa mga pinakakakaibang sangkap ay ang topping nitong 23-karat lang naman na edible gold dust.

Ang nasabing restaurant ay kakabukas lang noong Biyernes matapos itong isara ng mahabang panahon dahil sa COVID-19 pandemic.

Maaaring mabili ang nasabing fries sa pamamagitan ng reservation.

Bago ito ay una nang nakuha ng Serendipity3 restaurant ang Guinness record para sa world’s largest wedding cake at most expensive ice cream sundae. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *