Pinoy na walang trabaho bumaba sa 3.5 million noong Oktubre – PSA

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Sa inilabas na datus ng Philippine Statistics Authority mula 8.9 percent noong Setyembre umabot na lamang sa 7.4 ang unemployment rate ng bansa.

Ibig sabihin mula sa 4.25 million na walang trabaho bumaba ito sa 3.5 million jobless na mga Pilipino.

Ayon sa PSA naitala ang pagtaas ng employment rate sa loob ng labing tatlong buwan mula Abril 2020 hanggang Oktubre 2021.

Mula sa 82.4% noong Abril 2020, ito ay naitala sa 92.6% nitong Oktubre 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *