National

Pinoy non-medalist athletes sa Tokyo Olympics tatanggap ng P500K – POC

Walang uuwing luhaan sa mga atletang pinoy na sumabak sa Tokyo Olympics.

Ito ang tiniyak ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Ayon kay Tolentino makakatanggap ng P500,000 bilang incentives ang mga atletang bigong makapag-uwi ng Olympic Medal.

Napagkasunduan umano ng POC at MVP Sports Foundation ni business tycoon Manuel V. Pangilinan na bigyan pa rin ng reward ang mga non-medalists na bahagi ng Team Philippines.

Sinabi ni Tolentino lahat ng pambato ng Pilipinas ay kadapat-dapat bigyang ng pagpupugay at papuri dahil hindi umano biro ang magqualify para sa Olympics.

Nabatid na may apat na Pinoy pa ang nagpapatuloy ang kampanya sa Tokyo na kinabibilangan nina Golfers boxers Eumir Felix Marcial at Carlo Paalam at golfers Bianca Pagdanganan at Yuka Saso.

BNFM Makati

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

24 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

36 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

45 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

48 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

54 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago