Planong pagpapatupad ng tax sa mga junk food, kinwestyon ng isang senador

Sinalag ni Senador Raffy Tulfo ang umano’y “anti-poor” plan ng Bureau of Internal Revenue’s (BIR) na magpatupad ng tax sa junk food at iba pang food items sa susunod na taon.

Ani Tulfo, poorest of the poor ang nakikinabang sa abot-kayang items na ito, kaya sila rin ang lubhang maaapektuhan ng naturang tax.

Kinwestyon din nito ang BIR kung bakit tila pinagdidiskitahan ng ahensya ang mga tsitsirya at patawan ng buwis ang nasabing produkto.

Giit ng senador, kung pakay ng bureaun na makaliko ng dagdag kita para sa kaban ng bayan mula sa mga consumer products, bakit hindi punteryahin ang mga luxury items gaya ng mga food supplements, protein bars, energy bars, slimming drinks, at cosmetic products.

Mababatid na nais ipatupad ang ₱10 per 100 grams o ₱10 per 100 milliliters tax sa mga re-packaged foods, gaya ng confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *