PM Sanchez ng Spain nakatakdang bumisita sa China

Nakatakdang bumisita sa China si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa susunod na linggo kasunod ng pormal na paanyaya ni Presidente Xi Jinping.

Ang imbitasyon, na unang iniulat ng pahayagang El Pais , ay kinumpirma ni Minister for the Presidency Felix BolaƱos sa isang panayam.

Magiging mahalaga ang pagbisita ni Sanchez sa China at inaasahang mapag-uusapan ang kalakalan at ekonomiya.

Plano rin niyang makipagpulong sa Asia Pacific Forum at mga Spanish businesses na nago-operate sa China.

Ang Spain ay isang miyembro ng NATO kung saan ang mga patakaran ng bansa ay nakahanay sa Estados Unidos, na isang matibay na kaalyado ng Ukraine.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *