PNP Chief Azurin, dinepensahan ang ginawang balasahan sa organisasyon

Dinepensahan ni Philippine National police chief. Gen. Rodolfo Azurin ang ginawa itong balasahan sa organisasyon.

Matatandaan kasing ilang araw pa lang mula nang italaga ito bilang hepe ng Pambansang Pulisya, ipinag-utos kaagad nito ang reshuffle sa PNP kung saan ay nasa 71 matataas na police officials ang nasaklaw.

Inilipat din ang mga top national officials sa mga provincial commands.

Kabilang na rito ang ‘number 2 man’ ng PNP na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia na inilipat bilang Area Police Command-Visayas director mula sa pagiging PNP Deputy Chief for Administration.

Ang dati namang PNP OIC na si Lt. Gen. Vicente Danao ay inilipat sa Area Polie Command-Western Mindanao.

Ayon kay Azurin, hindi naman ito ang unang pagkakataon na mayroong ganitong uri ng reshuffle sa PNP.

Nanindigan pa itong ang mga kapulisan ay dapat magkaroon ng ‘flexibility’ para sa ikabubuti ng organisasyon.

Naniniwala rin ito na ang reassignment nina Danao at Sermonia ay oportunidad para mas ma-supervise ang kanilang mga rehyon.

Sinabi pa ni Azurin na bilang mga competent commanders, matututukan ng mga reassigned officials ang mga problema sa kanilang area of responsibilities kagaya na lamang ng insurgency.
#

PNP, nais makipagdayalogo sa NAPOLCOM upang pag-usapan ang nangyaring balasahan sa kanilang mga opisyal

Nais ng PNP na makipagdayalogo sa National Police Commission (NAPOLCOM) para pag-usapan ang nangyaring balasahan sa mga key position ng kanilang mga opisyal.

Ito ay kasunod ng resolusyon na inilabas ng NAPOLCOM na nagre-require sa pagsusumite ng listahan ng mga third-level officials bago sila maitalaga sa bagong posisyon.

Batay kasi sa NAPOLCOM memorandum circular 2019-001, ang kahit sinong opisyal sa kanilang hanay na hindi kasama sa listahan ay hindi pupwedeng italaga sa third level positions ng PNP.

Ayon kay Azurin, kailangan nilang mapag-usapan kung paano mai-dedeliver ang tunay na intensyon ng NAPOLCOM at ng PNP.

Kaugnay nito, sinabi ni Azurin na nirerespeto niya ang naturang memorandum circular ng NAPOLCOM.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *