PNP HPG muling pinaigting ang Oplan Sita, presensya ng mga enforcer sa kalsada asahang mapapadalas habang papalapit ang Undas

Muling pinaigting ng PNP Highway Patrol Group ang Oplan sita at visibility sa kalsada lalo na ngayong papalapit na Undas.

Noong Lunes ng hapon nagsagawa ng Oplan Sita at panghuhuli ng mga pasaway na motorista ang HPG sa pangunguna ni PMaj Loreta Salgado, Provincial Officer katuwang ang mga local traffic enforcer sa bayan ng Daet.

Unang pumuwesto ang grupo sa tapat ng SM City Daet at pagkatapos ay sa may bahagi ng Pamorangon.

Ilang mga pasaway na motorista ang naisyuhan ng ticket dahil sa iba’t- ibang violation.

Tulad ng dati, kabilang sa mga violation ay walang plaka, unregistered at hindi pagsusuot ng helmet ng mga nakamotor.

Ang operasyon ay naka- angkla rin sa Memorandum Circular No. AVT  2015- 1927 o No Registration- No travel.

Karamihan naman sa mga inisyu ay Traffic Citation Ticket (TCT) lamang at may ilan ding nabigyan ng mas mabigat na Temporary Operator’s Permits (TOP).

Mayroon ding hinuling motorista na nagmamatigas at ayaw pirmahan ang violation ticket.

Hindi na rin nawawala sa eksena na kapag may nahuhuli ay may mga kilalang taong tinatawagan bagay na hindi ini- entertain ng mga enforcer.

Inaasahang mas magiging madalas pa ang ganitong mga operasyon habang papalapit ang Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *