PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’ sa gitna ng Labor Day rally sa US Embassy noong May 1.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Spokesperson Major Philipp Ines na hayagan ang paglabag ng mga indibidwal kabilang ang pananakit sa mga pulis at paninira ng kagamitan ng PNP.

Nauna nang pinakiusapan ang mga rakyista na i-ayos ang kanilang hanay dahil wala naman umano ang mga itong permit para mag-rally.

Gayunman, patuloy daw na nagmatigas ang mga rallyista at lumapit pa sa US Embassy.
VC_1_MAJ_INES

Ayon kay Maj. Ines, kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District ang 6 na inidibidwal na ipinagharap sa kasong assault at disobedience sa ilalim ng Batas Pambansa No. 880 o Public Assembly Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *