Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, naglalaro na sa P0.90 hanggang P1.10 ang itatapyas sa kada litro ng diesel.

Sa gasolina naman, mayroon ding inaasahang bawas na P0.70 hanggang P0.90 kada litro; at P0.90 naman hanggang P1.10 naman na rollback sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikatlong sunud na linggong rollback sa diesel at kerosene; at ikalawang linggo naman sa gasolina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *