PNP Naga, handang magpatupad ng maximum deployment sa paparating na BSKE 2023 at undas

NAGA CITY – Nakahandang magpatupad ng maximum deployment ang Naga City Police Office (NCPO) para sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon 2023 at sa undas.

Sa naging press conference ng NCPO, napag-alaman na halos nasa mahigit 700 pa ang matitirang mga personahe sa lungsod kahit may mahigit na 300 silang idedeploy sa mga munisipalidad ng Camarines Sur. Bukod pa riyan, maglalagay din sila ng police assistant desk para sa dagdag na seguridad at kaayusan sa mga sementeryo, paaralan, terminal, maging sa mga daan papasok sa lungsod lalo na sa may Pili-Del Rosario boundary kung saan kasalukuyang ginagawa ang proyekto ng DPWH na reblocking and concrete works na nagiging rason para maabala ang mga biyahero.

Gasgas man pakinggan, ngunit paulit-ulit na pakiusap ng pulisya na nawa’y sumunod ang publiko sa mga dapat at hindi dapat gawin upang magkaroon ng ligtas at mapayapang eleksyon at undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *