PNP, naka-full-alert status na simula ngayong araw para sa paghahanda sa Kapaskuhan

Isinailalim na ngayong araw sa full alert status ang Philippine National Police ilang araw bago ang pagdiriwang ng pasko.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP Spokesperson Jean Fajardo na nakapagtayo na din sila ng mga police assistance desk.

Ayon sa PNP, aabot sa 192,000 na mga pulis ang ipapakalat sa buong bansa partikular sa mga public places gaya ng shopping mall, mga parke, paliparan, pantalan, terminal at iba pang matataong lugar.

Magugunitang magsisimula na mamayang gabi ang simbang gabi ng mga Katoliko na kailangang bantayan din ng PNP para masigurong hindi makakapagsamantala ang mga masasamang loob

Una nang iginiit ni PNP Chief General Rodolfo Azurin na nais nilang matiyak ang seguridad ng lahat ngayong holiday season.//LNM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *