LGU GenSan, pinagpapaliwanag ng COA dahil sa pamimigay ng mahigit sa P100k bonus sa mga empleyado

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang mga opisyal ng General Santos City local government unit (LGU) dahil sa napakalaking bonus na nakatakdang ipagkaloob sa mga regular na empleyado, mga trabahante at mga opisyal ng lungsod.

Batay sa inaprubahang resolusyon ng sangguniang panlungsod ang bawat regular na mga empleyado ay tatanggap ng kabuoang P115,000 bilang ‘goodwill bonus’, CNA incentives, at service recognition incentive o SRI.

Sa sulat ng COA kay GenSan City Mayor Lorelie Pacquiao – pinagpapaliwanag nito ang LGU kung bakit nakapalaki ng halaga ng bonus na ibibigay sa mga kwalipikadong mga manggagawa ng gobyerno.

Ipinapaalala ng COA sa mga opisyal ng lungsod na ang sweldo at benpisyo nga mga kawani nga gobyerno ay malinaw na nakasaad sa Republic Act 11466 o ang Salary Standardization Law.

Tinawag din ng COA ang pansin ni Vice Mayor Rosalita Nunez, Budget Officer John Philip Quemosing at Employees Association President Vince Amable.

Nilinaw naman ni Special Assistant To The Mayor Atty Jeng Gacal na itutuloy ng LGU ang pamimigay ng mahigit isandaang libong pisong bonus dahil hindi naman aniya pinapatigil ng coa ang pamimigay nito.

Ayon kay Gacal, susulatan at sasagutin ng LGU ang sulat ng COA para maipaliwanag nila ang kanilang panig sa naturang usapin.

Naniniwala si Gacal na pulitka ang nasa likod ng pananabotaheng ito para mapigilan ang benepisyo ng mga kawani ng gobyerno.//BNFM GENSAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *