PNP, Phil. Army, pinasalamatan sa katatapos pa lamang na Peñafrancia Festival

NAGA CITY – Napakalaking tulong ng mga augmentation force mula sa Philippine National Police at 9th Infantry Division Phil Army sa pagmanteni sa seguridad at katahimikan  sa  buong Naga City habang ipinagdidiriwang ang Peñaferancia Fiesta.

Walang halos malaking krimen na nangyari maliban lamang sa ilang insidente ng mga nakawan na nangyari sa Tagboan na ang venue sa mismong City Hall grounds.

Ito ang inisyal na assessment na inilabas ni City Councilor Ramon Melvin “Omar” Buernafe na siyang Chairman sa Public Safety ng konseho, kaugnay sa katatapos pa lang na selebrasyon.

Sa pakikipag-usap niya sa media at sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang matahimik ang lungsod habang ginagawa ang mga programa ng city at ng simbahan.

Ang presensiya ng mga pulis at ng mga sundalo ay malaking tulong.

Pinasalamatan niya si Maj.General Adonis Bajao, commander ng 9th ID Phil Army sa pagpadala ng mga sundalo na siyang umagapay  sa mga pulis lalo na sa Traslacion at sa Fluvial procession sa imahe ni Inang Penafrancia at ni Divino Rostro.

Anya’y on-call lagi ang mga sundalo para sa ganitong pagkakataon.    

Ang mga pulis at mga sundalo ay nakita sa paligid at loob ng Naga Metropolitan Cathedral, Peñafracia Shrine at sa Basilica Minore.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *