PNP probe re: Recycling ng mga nakukumpiskang droga sa PDEA

Magsasagawa ang Philippine National Police (PNP) ng imbestigasyon kaugnay sa pagkakadawit ng ilang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa recycling ng mga nakukumpiskang ilegal na droga, kasunod ng pagkakaaresto sa head ng kanilang opisina at dalawang iba pa sa isang raid sa Taguig City.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nakikipag-ugnayan na sila sa liderato ng PDEA sa ilalim ni Director General Moro Virgilio Lazo para sa expansion ng naturang imbestigasyon.

Mababatid na si Lazo ang nagbigay ng go-signal para sa pagsasagawa ng operasyon sa PDEA office sa Taguig City noong Dec. 6, kasunod ng kumpirmadong intelligence reports hinggil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga sa PDEA Southern District Office.

Maliban kay Lucero na siyang head ng Southern Office, nakuwelyuhan din ang mga PDEA agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver na si Mark Warren Mallo, kung saan nakuha sa kanila ang mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng halos P9.2 million. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *