Solon, isinusulong ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga JO, contractual gov’t workers

Isang panukalang batas ang inihain sa House of Representatives na  layong magbigay ng 13th month pay sa mga job order at contructual employees ng gobyerno.

Sa ilalim ng isinusulong na House Bill No.6541 na inakda ni Deputy Speaker at Las Pinas City lone district Rep. Camille Villar, magbibigay ng 13th month pay sa mga indibidwal na nakapag serbisyo ng minimum na tatlong buwan sa gobyerno bago ang July 1 ng bawat taon.

Ang pinakamababang halaga ng 13th month pay na karaniwang ibinibigay sa katapusan ng taon ay hindi bababa sa kalahati ng buwanang suweldo na natatanggap ng mga empleyado.

Sinabi ni Villar na inihain niya ang panukalang batas para sa benepisyo ng libu-libong job order at mga contructaual employees sa gitna ng pagtaas ng  presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa datus, sinabi ni Villar na 493,900 na mga indibidwal ang itinalaga bilang job order personnel habang 148,100 ang na-hire sa isang contractual basis.

Ang mga empleyadong ito ay hindi nagtatamasa ang parehong hanay ng mga benepisyo gaya ng mga regular na manggagawa sa gobyerno.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *