PNP- SAF, lalahok din sa Balikatan

Magpapadala ng 156 Special Action Force Commandos ang Philippine National Police upang lumahok sa Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at United States na magsisimula sa susunod na linggo.

Ayon kay PNP-SAF director Maj. Gen. Bernard Banac,mahalaga ang partisipasyon ng kanyang mga tauhan sa 39th iteration ng Balikatan, dahil mapapalakas nito ang kanilang interoperability, collaboration, at coordination kasama ang mga kaibigan, partners, at mga kaalyadong bansa.

Kaugnay nito naniniwala si Banac, na ang kanilang paglahok sa naturang pagsasanay ay magbibigay ng oportunidad sa kanilang hanay na mag-obserba,matuto, at makakuha ng mga bagong karanasan patungkol sa domain operations, command control, maging sa cybersecurity.

Bago pa man ang pagsisimula ng Balikatan, tiniyak din ng SAF na handa silang ipagtanggol ang teritoryo ng bansa sa gitna ng tensyon sa karagatan sa Pilipinas

Ito’y matapos nilang buksan kamakailan ang kanilang rapid deployment local training sa pamamagitan ng Basic Airborne Course.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *