PNP, walang nakikitang seryosong banta sa N. Oriental sa gitna ng posibleng BSKE postponement

Wala umanong nakikitang seryosong banta ang Philippine National Police sa Negros Oriental sa gitna ng posibleng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa lalawigan.

Sa isang press conference, sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., na magbibigay lamang ng inputs ang PNP ngunit ang Commission on Elections aniya ang magdedesisyon kung ipagpapaliban ang eleksyon doon.

Bago ito, nag-courtesy call si Acorda kay Comelec Chairman George Garcia at isa sa napag-usapan ang pagsama ng PNP sa Negros Island para sa pagdaraos ng konsultasyon sa panukalang ipagpaliban ang BSKE sa lalawigan.

Matatatandaan, noong nakaraang linggo, sinabi ng Comelec na hindi pa nagrerekomenda ang pulisya at militar kung idedeklara ang Negros Oriental bilang hot spot bago ang eleksyon sa Oktubre. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *