Poe naghain ng resolusyon na mag-eevaluate sa social costs at economic gains ng POGO

Naghain na si Senator Grace Poe ng resolusyon na humihingi sa Senado na i-evaluate ang social costs at ang economic gains ng POGO sa bansa

Sa kanyang proposed Senate Resolution 229, binanggit ni Poe ang primer ng Philippine Amusement and Gaming Corportaion, at sinabi bahagi ang POGOs sa multi-billion gambling industry na nakakatulong sa kita ng Pilipinas, pero ginagamit din umano sa mga illegal activities gaya ng money laundering, illegal immigration at employment, at kidnappings, at iba pa.

Binigyang diin ng senadora na ang gambing ay ilegal sa China at mismong ang Chinese government ang nagpatupad ng crackdown ng cross-border gambling at money laundering, dahil ang mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO ay ilegal na nirecruit.

Nabanggit pa nito na sa datos ng Philippine National Police, 17 mula sa 31 reported kidnappings mula sa Enero hanggang March 2022 ay nakokonekta sa POGO, at ang ilang mga naarestong suspek at konektado sa sindikato na dawit sa mga kidnappings at illegal detention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *