Library sa loob ng isang mall sa Daet patuloy na tinatangkilik lalo na ng mga kabataan.

CAMARINES NORTE – Patuloy na tinatangkilik ang library sa loob ng isang mall dito sa Daet, Camarines Norte o tinatawag na Library on Display.

Isa itong aktibidad na inilunsad ng Provincial Government sa pamamagitan ng Wenceslao Q. Vinzons Library of Camarines Norte at Museo Bulawan sa pakikipagtulungan ng SM City Daet.

Tampok dito ang mga obra ng tanyag na manunulat na si Ricky Lee, National Artist of the Philippines for Film and Broadcast na tubong Daet, Camarines Norte at iba pang babasahin.

Maaaring bisitahin ang Library on Display sa 2nd floor ng naturang mall mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon araw- araw hanggang September 30.

Bukod sa dagdag na kaalaman hatid din ng Library on Display na magbigay ng kasiyahan lalo na sa mga bata na ngayong maluwag na ang mga restriction ay halos araw- araw nang lamang ng mall.

Matatandaan na binuksan ang Library on Display noong September 5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *