POPCOM: 70-M working-age Pinoys sa bansa, makakatulong na mapalakas ang ekonomiya

Inihayag ng Philippines’ population agency na ang tumataas na bilang ng mga employable Filipinos, ay magpapalakas sa ekonomiya ng bansa, na ngayon ay patuloy na bumabangon mula sa epekto ng COVID-19 lockdowns, sakaling ito ay ma-fully maximized.

Batay sa  Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority noong 2020, lumabas na mahigit kalahati o 69.40 million sa 2020’s total population ay pasok sa 15 hanggang 64 years old working-age bracket.

Ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM), na ang “huge segment” ay nagbibigay ng pagkakataon para mapataas ang socioeconomic conditions ng bansa.

Giit ni POPCOM Officer in Charge-Executive Director Lolito Tacardon na ito ay bibihira na hindi kayang mapalampas ng gobyerno.

Pero sinabi ni Tacardon, na kailangan ng national government na makapagbigay ng consistent stream ng kalidad na trabaho at bigyan ng kaukulang kapasidad upang makuha nila ang mga skills na kinakailangan ng mga industriya.

Para sa opisyal, dapat itong maging prayuridad. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *