Posibilidad ng mas malakas na lindol sa camarines sur, hindi inaalis ng PHIVOLCS

NAGA CITY- Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang posibilidad na mangyari ang malakas pa sa 4.2 at 4.3 magnitude na lindol sa probinsya ng Camarines Sur. Hindi ito pananakot o pagbibigay alarma bagkus pagpahahanda.

Ipinaliwanag sa Brigada News FM Naga ni Dr. Paul Karson Alanis, Senior Science Research Specialist ng DOST-PHIVOCS- Bicol na mayroong tinatayang 7.4 Magnitude na lindol noong Nobyembre 1907. Sa muli ngang pagsukat ayon kay Alanis ay umabot sa Magnitude 8 ang naramdaman.

Sa madaling sabi, hindi inaalis ng PHIVOLCS ang posibilidad ng mas malakas na lindol dahil nangyari na ito noon lalo na’t ang ang Bicol Region ay Tectonically Active. May fault line sa Camarines Sur at Masbate na konektado rin sa ibang fault lines sa bansa.

Una nang sinabi ng PHIVOLCS na wala silang nakikitang paggalaw ng magma sa ilalim ng dalawang bulkan sa Camarines Sur.

Ayon kay Alanis, dapat maging handa ang mga LGU sa pagreresponde sa lindol.

Naitala ang unang malakas na pagyanig o 4.3 Magnitude noong Oct. 14, 2021 n nasundan ng mga aftershocks at kalaunan ay naging Earthquake Swarm sa terminolohiya ng PHIVOLCS o sundo-sunod na pagyanig sa loob ng ilang oras at araw habang ang 4.2 Magnitude naman ay noong Oct 17 at Oktubre 22 ng gabi na nasundan din ng mga aftershocks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *