Posibleng learning site sa Albay binisita ng ATI Bicol

LEGAZPI CITY – Binisita ng validation team ng Agricultural Training Institute (ATI) Bicol ang isang farm sa Albay na posibleng maging Learning Site for Agriculture (LSA) .

Ang Sierrapalmera Mercater Farm na nasa Sitio Mauroanahaw, Brgy. Salvacion, Sto. Domingo, Albay ay may lawak na aabot sa 15 ektarya.

Tampok dito ang 2.6 ektaryang broiler complex na may tatlong modernong gusali at may kapasidad na 100,000 broiler heads.

Maliban dito, may mga tanim din ditong citronella, pili, saging, mais, root crops at palay.

Sakali man na mahirang silang Learning Site for Agriculture, sila ang pinakaunang LSA na broiler chicken ang pangunahing produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *