SPIMS benefiaries ng OWWA-NRCO Bicol nakatanggap ng teaching kit grant wprth 20, 000

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng teaching Kit grant worth Php 20,000.00 ang mga benipisyaryo ng Sa Pinas Ikaw ang Ma’am/Sir (SPIMS) Program ng Overseas Workers Welfare Administration- National Reintegration Center for Overseas Filipino Workers – Bicol.

Itoy isinagawa sa awarding na dinaluhan ng SPIMS beneficiaries mula sa Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte.

Nagbigay din ng mga testimonial ang apat na piling kinatawan mula sa Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte, upang ibahagi ang ilan sa kanilang mga karanasan mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa hanggang sa matagumpay na naging bahagi ng programa.

Ang teaching kit grant ay gagamitin ng mga benepisyaryo sa pagbili ng kanilang mga kakailanganing kagamitan sa pagtuturo na makakatulong sa kanilang propesyon, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Layon ng Pinas Ikaw ang Ma’am/Sir Program na maibalik ang mga Filipino workers overseas, partikular ang mga OFW LET Passers at reverse out migration sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kanilang mga kasanayan at pagbibigay sa kanila ng opsyong manatili sa Pilipinas upang magtrabaho bilang mga guro sa pampublikong paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *