‘Post-pandemic Filipino workforce’, dapat tutukan ng Gobyerno – solon

Pinatututukan ngayon ng ilang mga mambabatas ang magiging kalagayan ng mga empleyado sa bansa matapos ang pandemya.

Sa isang pahayag, ipinunto ni Senador Joel Villanueva ang kahalagahan ng pagtutok at pagbibigay prayoridad sa tinatawag na ‘post-pandemic Filipino workfore’.

Inihalimbawa ng Seanador ang isang pag-aaral kung saan ay mayroong isang kumpanya na halos kalahati ng mga manggagawa nito na nagkatrabaho noong pandemya ay pinag-iisipang lumipat ng trabaho; habang mayroon ding 67% na mas prayoridad ang kalusugan kaysa sa trabaho.

Ayon kay Villanueva, bilang taga-gawa ng mga polisiya, kinakailangan nilang bumalangkas ng mga hakbang para alamin ang mga physical, mental, at emotional needs ng isang empleyado habang tinitiyak din ang paglago ng ekonomiya.

Dagdag pa ng mambabatas, kailangan din aralin ang mga hakbang hinggil sa pagkakaroon ng hybrid set-up para sa on-site at work-from-home employees.

Lumabas kasi sa isang survey na nasa 60% pa rin ng mga Pilipino ang umaasa pa rin sa remote o hybrid work sa susunod na taon; habang sa panig naman ng mga employer, 69% ng mga business leaders ang gusto nang i-require ang kanilang mga empleyado na pumasok sa opisina.

Giit ng Senador, higit na dapat tutukan ng Gobyerno ang kalagayan ng mga mangagawa pagkatapos ng pandemya para maipatupad ang mga nararapat na adjustments para sa ikabubuti ng lagay ng mga empleyado.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *