52 election related incidents, naitala ng PNP

Aabot sa 52 ang kabuoang bilang ng mga election-related violence na naitatala ng Philippine National Police.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na tuloy ang pagbabantay nila sa mga iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa mga lugar na idineklarang red-areas at sa mga lugar na isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections.

As of May 1 kahapon, 52 na umano ang naitatalang election-related incidents. 28 daw dito ay validated na non-election related incidents; habang 14 pa ang under investigation.

Sa ngayon, wala pa umanong namo-monitor ang PNP ng significant threat na makasisira sa 2022 elections.

Sa kabila nito, mananatili pa rin umanong mahigpit ang seguridad ng PNP, katuwang ang iba pang ahensya, para masigurong payapa at matiwasay na makaboboto ang ating mga kababayan.

Una na ring tiniyak ng Department of Interior and Local Government na mayroon na itong nakalatag na mga contingency measures sakali mang mayroong manggulo sa mismong araw ng halalan sa Mayo a-nueve.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *