Poverty incidence ng populasyon sa Bicol noong nakaraang taon, mas mataas kumpara noong 2018 – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Inilabas na ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol ang kanilang datos tungkol sa poverty incidence ng mga Pilipino sa buong rehiyon ng Bicol noong nakaraang taon.

Batay sa datos, umabot sa 29.3% ang poverty incidence ng populasyon sa nabanggit na rehiyon.

Nangangahulugan lamang na 1.82 milyong mga Pilipino sa rehiyon ang mahihirap kung ibabase sa inilabas na datos ng tanggapan.

Ang nabanggit na record ay mas mataas kumpara noong taong 2018 kung saan nasa 27.0% ang poverty incidence.

Samatala, nakuha naman ng lalawigan ng Camarines Sur ang pinakamaraming naitalang mahihirap na Pilipino na umabot sa 38.7%, habang pinakamababa naman ang lalawigan ng Albay na may 20.4%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *