Bagong fare matrix sa tricycle sa lunsod ng Ligao, ipapatupad ngayon araw

LEGAZPI CITY – Epektibo na ngayon araw ang bagong fare matrix sa tricycle sa lunsod ng Ligao, Albay matapo itong mapagkasunduan ng mga operator, tricycle driver at mga pasahero sa isinagawang public hearing.

Aprubado na rin umano ito sa Sangguniang Panlungsod at nasa Ordinance No. 2022-007 o ang New Tricycle Fare Matrix.

Ang pagtaas ng pamasahe sa lunsod ay dahil sa patuloy na pagsipa o pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Maliban pa rito, hindi na rin umano sapat sa araw-araw ang kanilang kinikita, kung saan napupunta na lamang ito sa paggagasolina.

Sa regular rate, umaabot sa P12-P50 ang pamasahe sa tricycle at depende rin ito sa distansya ng kanilang pupuntahan.

Halimbawa nito, simula sa Poblacion patungong Binatagan Toda ay umaabot sa P12 habang magmula sa Basag patungo sa Baligang ay nasa P50 ang pamasahe.

Dagdag pa nito, mayroon din namang dsicount sa pamasahe ang mga senior citizens, PWD at mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *