Poverty incidence sa Bicol, tumaas – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) Bicol na bahagyang tumaas ang poverty incidence sa Bicol Region.

Base sa datos, noong 2018, tumaas nang 1% ang poverty incidence sa rehiyon mula sa 21.9%.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas na poverty incidence sa rehiyon na may naitalang 29.8%, 21.7% sa Sorsogon, 20.2% sa Masbate, habang nasa 15.4% naman ang poverty incidence among families ang naitala sa Albay.

Ayon sa tanggapan, batay sa resulta ng Preliminary Results ng Family Income at Expenditure Survey (FIES) sa taong 202, ang poverty incidence na tinukoy bilang proporsyon ng mga Pilipino na ang per capita income ay hindi sapat na nakakatugon sa pangunahing pagkain at mga pangangailangan sa ay naitala sa 29.3%.

Aabot sa 1.82 milyong Pilipino sa rehiyon na namuhay sa below poverty threshold na P11,531 bawat buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.

Ang subsistence incidence na tinukoy bilang proporsyon ng mga Pilipino kung saan ang kita ay hindi sapat para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan lamang sa pagkain; tumaas din ito sa 9.8% noong 2021.

Tinatayang ang isang pamilyang may limang miyembro ay nangangailangan ng hindi bababa sa P8,069 bawat buwan upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *