75% ng tone- toneladang basura na makokolekta sa sa Peñafrancia mapapakinabangan ng mga nasa informal waste sector

NAGA CITY – Patuloy na mapapakinabangan ng mga nasa informal waste sector o mga namumulot ng basura ang mga tone-toneladang basurang makokolekta nila araw-araw sa lungsod sa unang linggo pa lamang ng Setyembre, dahil nga sa Peñafrancia celebration.

Ang 75% ng mga nakolektang basura partikular na ang mga plastic materials ay magiging bahagi ng waste to energy program, nagiging liquid fuel ito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, head ng Solid Waste Management Office, sinabi nitong malaking tulong ang mga plastic materials sa sektor na ito.

Ayon sa kanya ang mga natitirang basura na hindi na mapapakinabangan ay siya nilang pino-proseso sa sanitary landfill.

Handa na rin anya ang kanyang opisina sa paparating na akdtibidad na kung saan mas dodoble ang volume ng basurang makokolekta.

Sa ngayon umaabot ng mahigit 100 tonelada ang nakokolekta nila araw-araw at natitiyak niyang aabot ito ng mahigit 200 toneleda sa buwan ng Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *