Power rate ng Iselco 1, tumaas

Tumaas ng bahagya ngayong buwan ng Abril ang singil sa kuryente ng Isabela Electric Cooperative 1 dahil sa pagtaas ng Generation rate, system loss rate, generation vat charge at system loss vat charge.

Batay sa anunsyo ng kooperatiba, ang singil per kilowatt hour sa mga residential consumer ay P10.7441, P9.8426/kWh naman sa mga low voltage consumer at P8.5966/kWh sa mga high voltage consumer.

Ang kabuoang unbundled rate ng kooperatiba ay P10.7441 kada kilowatt hour kung saan kabilang na rito ang P6.3608/kWh na singil sa generation charge, P0.8281 / kWh na transmission charge at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *