Premature nut fall ng mga niyog, maaari umanong maranasan ngayong El Niño – PCA Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Coconut Authority (PCA) Albay na posibleng maranasan ngayong tag-init o El Niñoang premature nut fall ng mga puno ng niyog sa ilang lalawigan sa Bicol Region.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PCA Albay Division Chief 1 Alvin Trespeces, sinabi niya na sa kanyang naging karanasan sa Sorsogon sa loob ng limang buwan, mayroong epekto ang tag-init sa mga niyog.

Aniya, kapag sobra ang init ng panahon, nareresulta ito ng waterspread kung saan nade-develop na ang bunga ng niyog kaya’t hindi maiiwasan ang premature nut fall, ibig sabihin, kahit hindi pa matigas ang bunga ay nahuhulog na ang ilan sa mga ito.

Dagdag pa niya, kapag mayroong premature nut fall sa loob ng anim na buwan, maaaring kokonti lamang ang kanilang makukuha sa pagniniyog.

Ayon pa sa kanya, ang mga lugar na maaaring maapektuhan ay ang mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon at ilang bahagi ng Camarines Sur, Catanduanes at Albay.

Sa ngayon ay wala pa naman umanong naiuulat na nakakaranas ng problema sa mga niyog dahil may mga pag-ulan pa ring na nararanasan.

Samantala, tinatayang humigit-kumulang 30% ng mga coconut farmers umano ang maaring malugi dulot ng tag-init.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *