Premier Volleyball League, handa na sa Invitational Conference

Handa na ang Premier Volleyball League (PVL) sa Invitational Conference ngayong ika-9 ng Hulyo na gaganapin sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pitong local clubs at 2 foreign teams ang inaasahang makikipag-participate sa naturang elimination round.

Ayon kay PVL President Ricky Palou, nakikita nilang magiging exciting ang nasabing invitational conference.

Samantala, top four teams ang aabante sa semis kung saan makakasama ang Kobe Shinwa Women’s University at KingWhale Taipei. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *