Preparasyon ng PNP Bicol sa nalalapit na 2022 national and local elections mas pinaigting 

LEGAZPI CITY – Papalapit ng papalapit ang 2022 National and Local Elections ay naghahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) Bicol kung saan mas lalo pang pinapaigting ito.

Ayon sa PRO5, ang PNP-COMELEC Checkpoint ay nakapagtala na ng 1,966 checkpoints, habang 215 naman sa Joint AFP-PNP COMELEC Checkpoint na may kabuuang 2, 181 na checkpoints ang nailatag sa buong Kabicolan na nagresulta sa labintatlong (13) kaso ng paglabag sa COMELEC Resolution 1072.

Nagbunga rin ito sa pagkakumpiska ng labing isang (11) baril at dalawang (2) deadly Dagdag pa nito, sa ilalim ng focused operation na inilatag ng kapulisan dalawang (2) miyembro ng rebeldeng grupo sa Albay ang nahuli.

Kaugnay sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo 9, 2022 ang buong hanay ng kapulisan sa Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, lider ng kapulisan sa Bicol, ay patuloy ang paghahanda upang maisakatuparan ang isang tahimik, tapat at ligtas halalan 2022.

Ito ay upang bigyang katuparan ang karapatan ng bawat Bicolano na malayang pumili at bumoto sa kanilang napupusuan na kandidato.

Bilang paghahanda, ang PRO5 katuwang ang iba pang miyembro ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC) ay nagsimula ng pag aralan at paghandaan ang bawat senaryo at mga pangyayari sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa pamamagitan ng pagbuo ng Regional Monitoring Action Center or ang REMAC na nagsimulang mag-operate noon pang Nobyembre ng nakaraang taon.

Kung matatandaan noong Enero 9, 2022, pormal na nakibahagi ang PNP-PRO5 sa launching ng PNP-COMELEC Checkpoint bilang hudyat ng pagsisimula ng election gun ban upang bantayan at ipagbawal ang pagdadala at pagamit ng baril hanggang Hunyo 8, ngayong taon upang maiwasan ang anumang karahasan kaugnay ng eleksyon sa Mayo 9, 2022. Sa kampanya naman kontra wanted persons isang daan at walumpu’t walong (188) indibidwal na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal ang napasakamay ng mga otoridad.

Kabilang dito ang pagkahuli sa dalawang pu’t anim (26) na wanted sa probinsya ng Albay; tatlong pu’t dalawa (32) sa Camarines Norte; tatlongput apat (34) sa Camarines Sur; sampu (10) sa Catanduanes; tatlongpu’t walo (38) sa Masbate; apatnapu’t lima (45) sa Sorsogon; at tatlo (3) naman sa Naga City. Bukod dito, mas pinaigting rin ang patuloy ng pagsasagawa ng regular na operasyon ng PNP-Bicol, katulad ng kampanya kontra iligal na droga, iligal na pangingisda, iligal na pagpuputol ng kahoy, iligal na sugal, insurhensya at iba pa.

Naging aktibo rin sa paglalatag at mobilisasyon ng kapulisan sa mga kalye upang maiwasan ang kahit na anong kremin at upang maagang makapgrespondi sa mga insidente na maaring maganap sa pamayanan na pinalakas dahil sa pakikipag-tulungan at kooperasyon ng force multipliers na naging aktibo at epektibong katuwang ng mga otoridad sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *