Presidential bets, nangakong sisingilin ang P200 billion tax liabilities ng pamilyang Marcos

Nangako ang maraming presidential candidates na kung mahalal man sila sa pwesto ay sisikapin nilang singilin ang estate tax liabilities ng pamilya ng kanilang karibal na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Binuksan ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno Domagoso ang isyu kaugnay sa hindi pa nababayaran na P203 billion na buwis ng pamilya Marcos sa unang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections.

Ayon kay moreno, nais niyang gamitin ito bilang ayuda sa mga sektor na labis na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sangayon naman si Partido Reporma presidential candidate Senator Panfilo Lacson sa pahayag ni Domagoso at sinabi na ang utang ng pamilya Marcos ay doble pa sa tax collections sa ilalim ng 2 packages ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ipinunto naman ng independent candidate na si Vice President Leni Robredo na kapag nakolekta ang buwis mula sa pamilya Marcos ay hindi na kailangan tipirin ng gobyerno ang mga Pilipino.

Kung maalala ay lumiban si Marcos sa PiliPinas debates ng Comelec, at sinabi na mas makabubuti para sa kaniya ang mangampanya na lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *