Presyo ng COVID-19 vax na binili ng govt, nasa P323.26-P1,321.28/dose

Ibinunyag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang presyo ng mga COVID-19 vaccines na nabili ng bansa, matapos manawagan ang ilang senador ng pagiging transparency sa purchase agreements na pinasok ng gobyerno.

Ayon kay Dominguez, ang bakuna ay nagkakahalaga ng nasa $6.75 ( o halos P323.26) per dose hanggang sa $27.59 (o halos P1,321.28) per dose.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Dominguez, dahil hindi umano niya masyadong kabisado ang mga detalye kaugnay sa pagkakaiba-iba ng presyo.

Paliwanag lang nito, posibleng hindi pare-pareho ang presyo ng mga bakuna dahil sa volumes ng mga binili.

Binigyang diin lang ng Finance chief na ang presyo ay mas mababa sa loob ng ballpark, kumpara sa ibang mga bansa.

Muli namang sinabi ni Dominguez at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na hindi nila maisasapubliko ang presyo ng bawat brand ng bakuna dahil sa umiiral na non-disclosure agreements (NDAs) sa pagitan ng vaccine makers. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *