Bumaba ang bilang ng COVID-19 deaths sa Pilipinas, para sa buwan ng Hunyo.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Alethea de Guzman, ang kabuoang bilang ng fatalities ay nasa 720 mula June 1 hanggang 14 na may daily death average na 51 cases, kung saan ito umano ay mababa kumpara sa May 2021 total na 3,000 deaths o average na 97 deaths daily.
Nabatid na ang peak ng monthly death toll ay noong Abril sa 3,563 deaths o 119 deaths per day.
Samantala, sa kabila ng pagbaba ng fatalities, lumalabas naman na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa steady rise, bilang ang mga rehiyon sa labas ng NCR Plus ang nakadagdag sa kaso. // MHEL PACIA-TRINIDAD