Presyo ng kuryente sa ilang bayan ng Zambales, bababa

Magbabawas ng singilin sa generation charge ang San Miguel Energy Corporation sa mga consumer ng kuryente sa ilang mga bayan sa Zambales.

Ito ang sagot ng Zambales Electric Cooperative II kasabay ng kilos protesta ng mga mamamayan sa harap ng tanggapan nito noong Martes ng hapon.

Ayon kay Castillejos Municipal Mayor Jeffrey Khonghun, napaaga ang pagtatapos ng rally dahil sa ibinalita ng ZAMECO II na magbabawas na ng halos apat na pisong presyo ng singilin ang energy supplier nito.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit bente pesos ang suma-total na babayaran sa electric cooperative pero dahil sa inaasahang pagbaba ng generation charge ay posibleng babagsak ito ng 17 pesos per kilowatt ngayon buwan ng Setyembre.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *