IATF, inirekumenda na ang pagluluwag sa mask mandate sa outdoor areas

‘Verbally approved’ na ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force vs COVID-19 na pagluluwag ng polisiya sa pagsusuot ng face masks sa mga outdoor areas.

Sa Malacañang Press Briefing, sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na inaprubahan na ng Pangulo ang kanilang rekumendasyon ngunit kailangan pa rin ng pormal na Executive Order.

Paglilinaw ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles, rekumendasyon pa lang ito ng IATF at hindi pa isang polisiya.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 1, series of 2022 na nilagdaan nitong Sept. 5, optional na ang pagsusuot ng face masks sa outdoor areas na open space, hindi crowded, at may sapat na ventilation.

Inirerekumenda pa rin naman sa mga senior citizens at mga immunocompromised individuals na magsuot pa rin ng face masks.

Ayon kay Angeles, ang tuluyang lifting ng mask mandate ay ipa-pilot hanggang sa last quarter ng 2022 basta’t may improvement sa COVID-19 booster vaccination coverage.

Dagdag pa ni Vergeire, inumpisahan na ng mga eksperto ang pag-aaral ng pagli-lift na rin ng mask mandate para naman sa mga indoor areas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *