Primewater pinaghahandaan na rin ang epekto ng paparating na tag-init

CAMARINES NORTE – Pinaghahandaan na rin ng Primewater ang paparating na tag init at posibleng epekto ng El Niño phenomenon.

Kasunod yan ng ulat kamakailan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas ng matinding ng El Niño phenomenon ang nasa 56 na lalawigan sa bansa simula sa Abril ngayong taon.

Ayon kay Primewater Camarines Norte Branch Manager Engr. Johnson Chan, mayroong tatlong water truck ang kumpanya na naka standby para mag rasyon sa mga lugar na mawawalan ng suplay ng tubig.

Kung mas magiging matinde ang epekto ng tag- init at masasapul ang lalawigan ng El Niño ay maghahati- hati ang mga konsesyunaryo sa availability ng suplay ng tubig.

Bukod dito tinitingnan rin umano ng kumpanya kung pwede na ma- upgrade ang mga deep wheels sa Labo area.

Matatandaan na una nang inanunsiyo ng (PAGASA) na hanggang sa unang quarter mararamdaman ang El Niño pero sa hindi inaasahan ay hahaba pa ang araw ng tagtuyot sa buwan ng Abril.

Sa pagtatapos ng Enero nitong taon mahigit sampung probinsiya ang makakaranas ng tagtuyot na karamihan ay taniman sa Northern at Central Luzon tulad sa Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, at Nueva Ecija.

Aabot naman sa 27 lalawigan naman ang maaapektuhan ng El Niño sa Pebrero at posible ng tumaas sa 44 sa Marso.

Pagsapit naman ng Abril ay posible itong umabot sa 56.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *