Principal ng isang paaralan sa Naga City, tiniyak ang good quality education sa kabila ng kinakaharap na problema sa baha

NAGA CITY – Tiniyak ng isang Principal sa Naga City na kayang-kaya nilang maibigay ang good quality education sa kanilang mga mag-aaral sa kabila ng mga kinakaharap na problema sa baha.

Kapag matagal at malakas ang pag-uulan bumabaha na kaagad sa Julian B. Meliton, Elementary School na nasa Barangay Concepcion Pequeña.

Kung saan 32 mga silid ang hindi na nagagamit dahil delikado na para sa mga mag-aaral at nasa 26 na lamang ang nagagamit.

Sa panayam kay Principal Niel Romano Manaog, napag-alaman na may limang pinagmumulan ang baha lalo na kapag sobrang lakas ng ulan, may dredging nang ginawa at tinapalan ang daanan ng tubig papuntang creek kaya lamang ay hindi pa rin sapat at hindi na kinakaya.

Kaya naman labis ang tuwa ng opisyal dahil maliban sa mga dagdag na silid na maipapatayo ng Lokal na Pamahalaan at ng Department of Education, may ginawa na ring school development plan ang lungsod upang mapataas ang lupa.

Sa ganitong paraan malaki ang tiyansa na ang matagal nang problema sa paaralan ay masolusyonan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *