Probinsya ng Palawan, insurgency-free na

Inanunsyo na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagiging isnurgency-free ng Palawan, kasabay ng pakikiisa sa selebrasyon ng National Peace Consciousness Month 2023 sa Puerto Princesa City.

Kaugnay nito ay kinilala ni Marcos pagtutulungan ng mga regional at provincial task force ng ELCAC, Provincial Peace and Order Council, mga katuwang na ahensya, maging ng mga residente sa probinsya para sa pagpapatupad ng whole-of-nation approach upang matuldukan ang local communist armed conflict.

Sinabi rin nito na ang milestone na ipinagdiriwang nila ay nagpapakita ng commitment na mayroon ang Palawan upang matigil na ang dekada nang kaguluhan sa lugar, sa pamamagitan ng mga probisyon ng national reintegration programs sa mga dating rebelde at pagpapalakas sa peace and security ng isla.

Samantala, matatandaang una nang sinabi ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na target ng gobyerno na mabawasan ang bilang ng komunistang rebelde bago matapos ang administration ni Pang. Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *