Produktong Pili ng Sorsogon itatampok sa expo sa bansang Netherlands

Nakatakdang magtungo sa bansang Netherlands ang tatlong grupo ng Pili producers para dumalo sa Expo na sponsored ng nasabing bansa at gaganapin sa buwan ng Nobyembre.

Kinumpirma ito ng Provincial Government, sa ginanap na Press Conference para sa paggunita ng unang taon ng paninilbihan ni Governor Jose Edwin ‘Boboy’ Hamor.

Ayon sa opisyal, kanila nang inaprubahan ang kahilingan ng nasabing mga grupo na asistensya para sa nasabing aktibidad kung saan itatampok ng mga ito sa expo ang kanilang mga produkto upang maipakilala sa nasabing bansa ang mga Pili.

Ang nasabing mga Pili producers ay kinabibilangan ng isang grupo mula sa bayan ng Irosin at dalawa naman mula sa bayan ng Bulan.

Mababatid na ang inisyatibang ito ng Pamahalaang Lalawigan ay upang maipromote ang mga produktong Pili sa ibang lugar bilang bahagi ng pagpapalakas ng industriya nito at suporta sa Pili production ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *